Hinimok ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga umuuwing overseas Filipino workers (OFW) na lisensiyadong mga guro na maging guro sa mga pampublikong eskuwelahan sa bansa.
Sa ilalim ng programang “Sa Pinas, Ikaw Ang Ma’am / Sir (SPIMS),” ang mga OFWs na nakapasa sa Licensure Examination for Teachers ay maaaring mag-aplay para maging guro sa ilalim ng Department of Education (DepEd).
Layunin ng programa na pagkalooban ng disenteng hanapbuhay ang mga bumabalik na OFWs bilang mga guro sa mga pampublikong paaralan. (Mina Navarro)