ILOILO CITY – Nagsimula kahapon ang tatlong-araw na gun ban sa Iloilo City kaugnay ng taunang selebrasyon ng 2017 Dinagyang Festival.

Sinabi ni Senior Supt. Remus Zacarias Canieso, hepe ng Iloilo City Police Office (ICPO), na umiiral ang gun ban sa siyudad hanggang bukas, Enero 22—na nangangahulugan na tanging mga unipormadong tagapagpatupad ng batas ang pahihintulutang magbitbit ng armas sa publiko.

May kabuuang 3,606 na pulis at iba pang security forces ang ipinakalat para sa Dinagyang ngayong taon. (Tara Yap)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match