Agad ikinasawi ng isang lalaki ang mga tama ng bala sa katawan matapos siyang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na nagawang maisugod sa ospital ang biktimang si Gary Francis Florendo Verceles, 45, ng Unit 20, Neovita Homes, Barangay 171, Bagumbong ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon, dakong 8:08 ng gabi nangyari ang pananambang sa harap ng isang burger house sa Bagumbong Road, corner MCB Street, Bagumbong, Caloocan City.

Sakay si Verceles sa kanyang Honda motorcycle (3951-XB) at napahinto dahil traffic nang bigla siyang tapatan ng dalawang lalaki na magkaangkas din sa motorsiklo at pinagbabaril.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril. (Orly L. Barcala)