NEW YORK (AP) — Ibinalik sa United States ang Mexican drug kingpin na si Joaquin “El Chapo” Guzman, na dalawang beses na nakatakas sa maximum-security prisons sa Mexico, upang harapin ang mga kasong drug trafficking at iba pa. Dumating siya sa New York noong Huwebes ng gabi.

Idiniretso si Guzman, ang convicted leader ng Sinaloa drug cartel, isa sa pinakamalaking drug trafficking organization sa mundo, sa kulungan sa New York at haharap sa federal courthouse sa Brooklyn kinaumagahan. Nahaharap din siya sa mga kaso sa lima pang lugar sa US, kabilang na ang San Diego, Chicago at Miami. Kapag napatunayang nagkasala ay possible siyang makulong nang habambuhay.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'