Pinosasan ng pulisya ang isang negosyante sa loob mismo ng kanilang exclusive village sa Makati City dahil sa hindi umano pagre-remit sa Social Security System (SSS) ng P1.6 milyong kontribusyon ng kanyang mga empleyado mula noong 1987-2013.
Ayon kay SSS-National Capital Region (NCR-South) Legal Department officer-in-charge Stella Berna Inacay, dating dumadalo sa mga pagdinig si Victor Caluag, may-ari ng Silverstream Publishing Company, ngunit nakapagpiyansa umano ito.
Binalewala nito, ayon kay Inacay, ang kaso hanggang sa madesisyunan ito laban sa kanya.
Sinabi pa ni Inacay na pinaigting pa nila ang pagtugis sa mga delinquent employer bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan upang mapataas ang koleksiyon ng ahensiya kasunod na rin ng P2,000 pension increase ng pamahalaan.
(Rommel Tabbad)