NAKAKUHA ng pagkakataon ang bagong koponan na Cignal-San Beda na mapalakas ang hanay sa gabay ng nagbabalik coach na si Boyet Fernandez sa kanilang pagsalang sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup.

Ibinalita ni Fernandez na noon lamang nakaraang Lunes nang kanilang palagdain para lumaro sa Hawkeyes ang 2015 PBA D League draft top pick na si Jason Perkins.

“Kababalik lang niya nung January 12 and we were lucky he was a free agent. We’re very impressed with the way he plays even though he played sparingly with La Salle,” pahayag ni Fernandez.

Ayon kay Fernandez, nagpapagaling pa si Perkins ng kanyang back injury ngunit handa silang maghintay na bumalik sa kanyang dating porma ang 6-foot-4 power forward.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“He’s currently doing rehab and we’re trying to strengthen him. The doctors said that he’s cleared to play so we hope he plays an important role in our team.”

Inaasahang palalakasin ng pagpasok ni Perkins ang frontline ng Hawkeyes na kinabibilangan nina Mark Bringas at Alfred Batino.

“We have to do what we had. It really deepens our rotation of our bigs, but compared to the other teams, we’re still undersized. I guess we just have to outwork them,” aniya.

Kaagad na makakatunggali ni Perkins ang dating kasangga sa La Salle na si Jeron Teng sa pagsabak ng Cignal sa una nilang laro sa Martes kontra AMA Online Education. (Marivic Awitan)