NAKASABAY namin si Bela Padilla sa elevator pagkatapos ng grand presscon ng My Dear Heart sa 9501 Restaurant nitong Huwebes ng gabi at dahil malakas ang boses ng kausap niya sa cellphone ay medyo narinig namin ang pinag-uusapan.

Madaldal ang guy na kausap ng aktres at bilang lang ang mga sagot niya at nabanggit ni Bela na, “No, it didn’t. I never told them,” at iba pa.

Ang takbo ng usapan, base sa aming pagkakaintindi ay nagtatanong ang kausap niyang guy kung ano ang pinag-usapan sa presscon at kung ano ang mga ikinuwento ng dalaga.

Ayaw naming isipin na parang takot si Bela sa kausap niya nu’ng mga sandaling iyon dahil iba ang facial expression niya kumpara nu’ng humarap siya sa presscon na ang saya at nakangiti dahil sa bago niyang project.

Jodi Sta. Maria, aminadong mahirap ang blended family

Hiwalay na kasi sina Bela at ang movie producer na boyfriend niyang si Neil Arce na inamin niya sa My Dear Heart presscon.

Pero ayon sa leading lady ni Zanjoe Marudo, “Honestly, hindi pa nag-si-sink in sa akin. Parang siguro hindi pa right now, dahil siguro busy ako sa trabaho. Nagti-taping ako MWF, nagsu-shooting ako TTHS at nag-aaral ako kapag Linggo.

So, wala akong time para mag-isip. Baka after ng press con magisip-isip ako.”

Magkatuwang sina Bela at Neil sa mga proyekto, bumubuo sila ng concept na puwedeng gawing pelikula at sumososyo sila sa Viva Films at ibang independent producers. Kaya nakakapanghinayang kung hindi na sila magkakabalikan. Gayunpaman, ayon sa dalaga ay in speaking terms sila ng ex-boyfriend niya.

“Nag-usap na kami. Actually ako ‘yung humingi na makipag-usap. Ang dami ko nang nasabi,” say ng aktres.

Nakakatuwa na nakiusap pa siya sa entertainment press na, “Guys, please be nice to him. Kahit ako na po ‘yung siraan n’yo, kahit ako na lang po. Ayaw ko lang may mabasa pa siya or ma-feel bad tungkol dito.”

Hmmm, makahulugan ang sinabing ito ni Bela, kaya siguro parang takot ang itsura niya habang may kausap siya sa cellphone sa loob ng elevator. And we would like to think na si Neil ang nasa kabilang linya.

Anyway, malapit sa isa’t isa sina Zanjoe at Bela. Hindi kaya isa ito sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Neil?

Abangan ang mga susunod na kabanata, Bossing DMB. (Reggee Bonoan)