SA pagpapatupad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mandato nitong paunlarin at palaganapin ang wikang Filipino, hinihikayat ng komisyon ang mga mananaliksik, manunulat, guro, at mga eksperto na magsumite ng kanilang panukalang publikasyon na ililimbag sa ilalim ng programang Aklat ng Bayan ng KWF.

Ang Aklat ng Bayan ay isang paraan ng pagtatanghal sa kapasidad ng wikang Filipino bilang wika ng malikhain at intelektuwal na gawain.

Sasagutin ng KWF ang lahat ng gastusin sa paglalathala mula sa editing hanggang sa pagpapaimprenta ng manuskripto.

Dadaan sa Lupon sa Monitoring at Ribyu ng KWF ang mga manuskrito para sa kaukulang pagsusuri at pag-apruba ng panukalang proyekto at pagkaraan ay sa Yunit ng Publikasyon para sa kaukulang editing, lay-outing, at pagpapalimbag.

Vhong, Darren in-expose paghuhubo ni Vice Ganda!

Hindi tatanggapin ng KWF ang mga palhiyadong akda.

Ayon sa KWF, ito ay isang paraan ng pag-iimbak ng karunungan sa iba’t ibang disiplina na Filipino ang wika sa pagsulat at saliksik.

Matatagpuan sa website na www.kwf.gov.ph ang buong detalye sa pagsali sa panawagang ito. (DIANARA T. ALEGRE)