AIZA copy

MUKHANG magkakasamaan ng loob sina Sen. Tito Sotto at National Youth Commission chair Aiza Seguerra dahil sa balak ng gobyerno at Department of Health na pamimigay ng condoms sa mga eskuwelahan.

Kontra rito si Sen. Tito at pabor naman si Aiza. Sinagot ni Aiza ang pagkontra ni Sen. Tito.

Post ni Aiza: “Mabilis na pagtaas ng HIV/AIDS lalo na sa kabataan, laganap na teenage pregnancy at patuloy na pagtaas ng populasyon ang nagiging sanhi kung kaya’t marami sa ating mga kababayan ang naghihirap at hindi nakaka access ng dekalidad na serbisyo ng gobyerno. Hindi po ito haka-haka, Mr. Senator.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“These are facts. Based on science and research.

“Bilang gobyerno, responsibilidad natin na pangalagaan at protektahan ang ating constituents. Matagal nang ipinagpaliban ang pagpapatupad ng RH dahil sa ‘beliefs’ ninyo and look where it has brought us. You say ‘its’ insentive to dismiss the sentiment of a conservative culture just because they failed to implement effective health programs.

“We have an epidemic here. A YOUTH EPIDEMIC.

“It is precisely because of the ‘sentiment of a conservative culture’ kaya lalong pataas ng pataas ang HIV.

“Dahil sa conservative culture na ito kaya kahit obligasyon ng mga magulang at guro na turuan ang kanilang mga anak at estudyante tungkol sa Sex Education, hindi nila ito ginagawa kasi ‘taboo’.”

Sagot ni Sen. Sotto: “Buy yourself some time to read and study before you speak about serious issues that men like me have been championing for decades.”

Marami ang malulungkot kapag lumala ang isyung ito nina Sen. Tito at Chair Aiza, lalo na si Vic Sotto na kapatid ni Sen. Tito. Parang ama na ni Aiza si Vic at very close silang dalawa.

Malapit din si Aiza kay Sen. Sotto dahil halos sa Eat Bulaga na siya lumaki kasama ang dabarkads.

Samantala, suportado ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra ang asawang si Aiza sa ipinaglalaban nito. Tweet ni Chair Liza, “I fully support your stand, my love.” (Nitz Miralles)