SAN MANUEL, Tarlac - Masaklap na kamatayan ang sinapit ng isang 88-anyos na ginang na nakaladkad ng Isuzu dropside truck na nakabundol sa kanya sa highway ng Barangay Legaspi sa San Manuel, Tarlac.
Kinilala ni SPO1 Jesus Abad ang biktimang si Rosita Serqueña, biyuda, ng nasabing barangay.
Batay sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa kanlurang bahagi ng Bgy. Legaspi nang aksidenteng mabundol sa likuran ng truck (XDR-984) na minamaneho ni Augosto Cunag, 20, ng Bgy. Basang Hamog, Talavera, Nueva Ecija.
(Leandro Alborote)