Anim na opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) ang nahaharap sa graft charges sa Ombudsman dahil sa alegasyon ng maanomalyang pagbili sa 1,470 na patrol jeep para sa Philippine National Police (PNP) na nagkakahalaga ng P1.3 bilyon noong 2015.

Ang mga akusadong opisyal ng DBM procurement office, Philippine Government Electronic Procurement Systems (PhilGEPs), ay sina Jose Tomas Syquia, Laarni Testor, Allan Raul Catalan, Rommel Rivera Rosalyn Pascual at Rosa Clemente.

Ang kaso ay isinampa ng Transnational Anti-Organized Crime Intelligence Group (TAOC-IG) sa Quezon City batay sa impormasyon na ibinigay ng isang PNP insider at ng Commission on Audit.

Sinabi ng abogado ng TAOC-IG na si Fernando Perito na ang mga sasakyan ay binili sa pamamagitan ng manipuladong bidding, at sinasabi na ang nanalong bidder na Columbia Motors ay hindi naman nakalista sa website ng PhilGEP na nakasaad sa batas.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Sinabi niya na ang aprubadong halaga ng kontrata ay walang detalyadong breakdown at supporting documents mula sa PNP at sa DBM upang maisailalim sa pagsusuri.

Sinabi niya na ang patrol jeeps ay hindi kasama sa mga nasa inventory ng dealer, o “off the shelf item” na may mga presyo na maaaring kunin sa Internet.

Sa complaint ay nakasaad na ang mga sasakyang ito ay isinaayos pa ayon sa pangangailangan ng PNP, kaya ang selling price ay kinakailangang kuwentahin batay sa bagong specifications. (Jun Ramirez)