Tuluyan nang nakahanap ng probable cause ang Department of Justice (DoJ) upang masampahan ng kaso ang pitong suspek, kabilang ang mga pulis sa kidnap-for-ransom at pagpatay sa negosyanteng si Jee Ick Joo na umano’y dinala at pinatay sa Philippine National Police (PNP) headquarters ng Camp Crame sa Quezon City.

Sa pitong pahinang resolusyon na may petsang Enero 17, inirekomenda ng DoJ prosecutors na kasuhan sina SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas, Ramon Yalong at apat na iba pang “John Does” na kilala lamang sa mga alyas na Pulis, Jerry, Sir Dumlao, at Ding.

“As the victim was killed during and in the course of his detention, respondents who acted in conspirac are liable for the special complex crime of kidnapping for ransom with homicide,” base sa resolusyon na inihanda nina Senior Assistant State Prosecutor Olivia Laroza-Torrevillas at Senior Deputy State Prosecutor Lilian Doris Seranilla-Alejo na inaprubahan ni Prosecutor General Victor Sepulveda.

SOUTH KOREA, HUMIHINGI NG PALIWANAG

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Humihingi ng kaukulang paliwanag ang South Korea sa gobyerno ng Pilipinas sa sinapit ni Ick-Joo na pinaslang matapos dukutin ng umano’y mga police scalawag noong nakaraang taon.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, nakatanggap siya ng tawag mula kay Yun Byung-Se, ng South Korean foreign ministry, na nagpahayag ng pagkadismaya sa umano’y pagkakasangkot sa kaso ng mga alagad ng batas.

(Jeffrey Damicog at Beth Camia)