Ang pagdukot, pagpatay at pag-cremate sa isang negosyanteng Korean ng mga tiwaling pulis kahit pa nagbayad ito ng P4.5 milyon ransom ay posibleng makaimpluwensiya sa mga mambabatas kaugnay ng muling pagbuhay sa parusang kamatayan sa “super heinous crimes”.

Ito ang paniwala ni Senate Minority Leader Ralph Recto ngayon na maging ang mga senador ay hindi nagkakasundo sa planong ibalik ang death penalty.

Kasabay nito, tinaya naman ng liderato ng Kamara de Representantes na maipapasa na sa Mababang Kapulungan ang death penalty bill sa Hunyo ng taong ito.

Sinabi ni Recto na siya mismo ay tutol sa parusang kamatayan ngunit iginiit niyang “cruelty and impunity inflicted in crimes like the one that victimized the Korean is beginning to define what a super heinous crime that may be punishable by death is.” “In terms of how dastardly a crime is, we are seeing examples of a higher bar in which death penalty, in the eyes of its advocates, could be imposed,” sabi ni Recto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang 53-anyos na negosyanteng Korean na si Jee Ick-Joo ay dinukot noong nakaraang taon ng umano’y mga tiwaling pulis sa Pampanga, at bagamat nagbayad ng P5-milyon ransom ang kanyang pamilya ay pinatay pa rin siya at na-cremate pa.

Ayon kay Recto, ang mga kumplikado at karumal-dumal na krimen ay “powerful emotional argument for death penalty.”

Giit ng senador, pabor siya sa habambuhay na pagkakakulong para sa iba pang krimen, gaya ng ordinaryong pagpatay o carnapping, ngunit inaasahan na niyang tutukuyin sa mga debate para sa death penalty bill ang “actual examples of heinous crimes in which the demand for a greater restitution is high.”

“Tulad halimbawa ng isang Abu Sayyaf na nandukot ng isang dosenang tao, pinahirapan, ginutom, ni-rape, tapos pinugutan ng ulo. How can these be arguments for clemency?” paliwanag ni Recto. (MARIO B. CASAYURAN)