BATANGAS CITY - Dead on arrival sa pagamutan ang isang retiradong heneral matapos umanong malunod sa Batangas Bay.
Kinilala ang biktimang si Cesario Atienza, 61, retirado sa Philippine Marines, at taga-Barangay Alangilan, Batangas City.
Ayon sa report ni SPO1 David Reyes, dakong 7:30 ng umaga nitong Miyerkules ay naglalangoy si Atienza sa Batangas Bay sa Bgy. Sta. Clara nang biglang malunod. (Lyka Manalo)