KARAMIHAN sa mga pagpatay, na nagaganap sa kasalukuyan sa buong bansa, na nasisiguro kong mahirap nang malutas, ay waring dulot nang pagsunod ng mga alagad ng batas sa mga biglaang pahayag at pag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte, bahagi ng sarili niyang paraan ng pakikibaka sa kriminalidad at ilegal na droga, ngunit may mga pagkakataong BIRO lang pala ito.

Siyempre pa, sa gitna ng ganitong mga pahayag at pag-uutos, ‘di agad magkandatuto ang mga nakaupong opisyal ng Philippine National Police (PNP) kaya dali-daling ibinaba ang utos sa kanilang nasasakupan at nagbibigay ng “quota” sa pagpapatupad nito, kapalit ng pananatili nila sa magandang puwesto.

Ang mga ganitong uri ng pag-uutos ng Pangulo ang agad din namang pinagtataguan ng ilang tiwalang pulis na nakakita ng tiyempo upang kumita nang malaki na hindi mabubuko at mabubulilyaso, at sa halip may pagkakataon pang nakakatanggap ng reward sa pag-aakala ng kanilang mga opisyal na lehitimo at hindi. PINAGKAPERAHAN ang operasyong kanilang ginawa.

Maraming ulit na itong nangyari, nagkakapatung-patong na ang mga kasong ganito na makaraan lamang ang ilang araw, linggo at buwan ay nababaon na sa limot upang ang mga may salang alagad ng batas ay gumawang muli dahil sa nasarapan sa kanilang natikmang bagong lutong putahe na pinagkakakitaan.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat

Kailangan pa ba na isa-isahin natin ang mga nagdaang kaso? Hindi na siguro. Dahil alam na naman nila ito kung bubuklatin at susuriing mabuti ang kanilang mga naitalang kaso. Banggitin na lamang natin dito ‘yung mga pinakahuling pagpatay na siguradong pinagtataguan lamang ng mga tiwalang pulis upang magkamal ng pera at makasunod pa sa utos o BIRO lang ni PRRD.

Nito lamang nakaraang Linggo, ‘di pa man natatagalan nang magbabala o magbiro si PRRD na ipatutumba niya rin ang mga Bumbay na nagpapautang na may patubuang 5/6 kapag hindi magsisitigil sa kanilang negosyo – may isang Bumbay ang agad na tinakpan ng diyaryo sa harapan ng tindahang may utang sa kanya sa Kilometer 21, sa Bgy. Bangquerohan sa Legaspi City sa Albay. Pagpatay... lamang ang layunin dahil sa ang bag na puno ng pera ng biktimang si Harfreet Singh Sran na taga-Daraga, Albay ay ‘di pinag-interesan ng armadong suspek na mabilis na tumakas. Ang hinala ko, kundi isang pulis, ay siguradong isa sa may utang sa pobreng Bumbay ang may kagagawan nito.

Gustong mabura na ‘yung utang niya kaya si Bumbay ang kanyang ni-WRITE OFF. Siguradong lusot ang suspek dahil sino ang maglalakas-loob na mag-imbestiga, eh bahagi yata ito ng bagong utos o BIRO ni PRRD.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)