Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

4:15 n.h. -- Meralco vs Rain or Shine

7 n.g. -- Blackwater vs Ginebra

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

PATATAGIN ang tsansa para sa No.2 spot papasok ng playoffs ang tatangkain ng Rain or Shine Painters sa pakikipagtuos sa tila walang kuryenteng Meralco Bolts sa pambungad na laro ng double header ngayon sa OPPO-PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay.

Magtutuos ang Bolts at ang Elasto Painters sa unang salpukan ganap na 4:15 ng hapon bago ang bakbakan ng Blackwater at crowd favorite Barangay Ginebra sa tampok na laro ganap na ika-7 ng gabi.

Nasa ikalawang posisyon ang ROS na kasalukuyang kasalo ng Globalport Batang Pier ma may barahang 5-3, kasunod ng namumunong San Miguel Beer na may markang 8-1.

Hangad ng Elasto Painters na makabawi sa nakaraang kabiguang natamo sa Beermen, 101-107, upang makaangat sa solong ikalawang posisyon kung saan naghihintay ang bentaheng twice-to-beat sa quarterfinal playoff.

Sa panig ng Bolts, nalaglag sa laylayan ng standing, taglay ang 2-7 baraha, kasama ng NLEX, nasa sitwasyon silang kailangang walisin ang huling tatlong laro sa elimination at umasang hindi humigit sa lima ang panalo ng mga sinusundang koponan upang makahirit ng slot sa playoff.

Galing naman sa 83-72 panalo kontra Meralco noong Enero 14, sisikapin ng Kings na magtuluy- tuloy ang maganda nilang laro upang muling makaabot sa asam na back- to- back finals appearance.

“We’re still trying to climb our way back to contention,” pahayag ni Ginebra coach Tim Cone.

“We have really high expectations for ourselves thus the championship so when you have high expectations and you don’t meet them you get a little frustrated, a little upset.”

“For us we have to keep moving, keep moving forward, put that behind us. If we have a mistake, keep playing forward. These games are playoffs games for us,” aniya.

Inaasahan ni coach Leo Isaac na hindi siya bibiguin ng kanyang mga players sa tiwala at pagkakataong kanyang ibinibigay sa mga ito na patunayang karapat- dapat silang mapabilang sa liga. (Marivic Awitan)