Nakumpiska kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang kilo na nagkakahalaga ng P10 milyon sa Quezon City.
Base sa inisyal na ulat, ang mga ito ay itinago sa ilang piraso ng ceramic na ipinadala sa bansa mula Australia.
Nakatanggap umano ng tip ang PDEA mula sa Australian Federal Police kaugnay ng nasabing ilegal na droga.
Ayon sa PDEA, nagpadala sa kanila ng mensahe ang Australian Federal Police na isang American drug courier na nagngangalang Corey Cornnel Drew, na naaresto kamakailan sa kanilang bansa, nagpadala ng cocaine sa Pilipinas.
Nasamsam ng mga operaiba ang nasabing cocaine sa isang gusali sa Quezon City. (Chito A. Chavez)