ROME, Italy – Igigiit ng Philippine Government (GRP) ang unprecedented joint ceasefire agreement, habang inaasahang hihilingin ng National Democratic Front (NDF) ang agarang pagpapalaya sa mga nakakulong nilang kasamahan, na kababaihan, may sakit o matatanda, sa ikatlong serye ng peace negotiations sa pagitan ng dalawang partido na nagsimula kahapon (10 a.m. sa Rome, at 5 p.m. sa Manila) sa Holiday Inn Rome – Eur Parco del Medici dito.

Nanindigan ang GRP at NDF sa kanilang mga pakiusap at demand sa mga nakalipas na buwan simula nang ikalawang serye ng mga negosasyon na ginanap noong Oktubre sa Oslo, Norway, at ang lahat ng ito ay pagtutugmain sa pagsisikap na mawakasan ang 47 taong insurhensiya sa Pilipinas.

Ang Royal Norwegian Government (RNG) ang official third party facilitator sa panel (plenary) meeting.

“(The joint ceasefire) is what we have our eyes on. To get an agreement signed for both sides to agree and stop fighting is our No. 1 marching order from President Duterte,” saabi ni GRP Peace Panel Chairman Silvestre Bello III.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Idiniin ni Bello ang pangako ni Pangulong Duterte na sa oras na malagdaan ang bilateral ceasefire ay agad na palalayain ang political prisoners.

Ngunit hanggang kahapon ay tila malamig pa rin ang NDF sa alok na ito ng GRP.

“Hindi naman dapat na sila na lang ang laging tama,” sabi ni NDF Peace Panel Chairman Fidel Agcaoili.

BLESSING NG PAPA

Sa kabila ng mga isyung ito, positibo si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na makakabuo sila ng kasunduan sa pagtatapos ng mga pag-uusap sa Enero 25.

Uupo sa mesa si Dureza na dala ang sigla mula sa special audience na ibinigay sa kanya ni Pope Francis noong Miyerkules ng umaga sa Vatican kung saan iniabot niya sa papa ang liham ni Pangulong Duterte.

“When I had the opportunity of kissing the hand of the Pope, I said, ‘Bless the Philippines, Your Holiness,’ and his answer was, ‘Yes, I will also bless your president,” sabi ni Dureza sa video clip sa St. Peter’s Square, na inilabas sa telebisyon kahapon. (May ulat mula sa Reuters) (ROCKY NAZARENO)