Nagbigay ng panata ang abogado ni Bise Presidente Leni Robredo kahapon na isusuko ang kanyang lisensiya bilang abogado at uurong bilang counsel nito kung mapatutunayan ng kampo ni dating Senator Bongbong Marcos ang kanilang akusasyon na nagkaroon ng “massive fraud” sa eleksiyon noong nakaraang taon.

Hinamon ni Romulo Macalintal si Marcos at ang mga abogado nito na magkaroon sila ng kasunduan na iuurong nila ang kanilang electoral protest kapag nabigo silang patunayan ang election fraud, na ibinatay sa mga datos na nakuha sa hindi nagamit na secure digital (SD) cards ng vote counting machines (VCMs).

“Marcos and his lawyer and I could file a Joint Manifestation before the Comelec to, in the meantime, suspend the verification and examination of these 13 SD cards until such agreement is signed by the parties,” sabi ni Macalintal.

Hinamon ni Macalintal ang abogado ni Marcos na si Victor Rodriguez, “who made such irresponsible statement should surrender to the Supreme Court his license to practice law” kapag napatunayang mali ang alegasyon nila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinasabi ni Rodriguez na ang datos na nilalaman ng 13 sa 26 na SD card na decrypted ng Commission on Elections (Comelec) ay ebidensiya ng malawakang dayaan sa eleksiyon noong Mayo 2016.

Sinabi ni Macalintal na “baseless” ang akusasyon at “hallucinating or dreaming” ang kampo ni Marcos sa pagsasabing may malawakang dayaan sa naging resulta ng vice presidential race.

“We maintain that these SD cards are not even part of Marcos protest, hence, cannot be admitted as evidence in his protest,” sabi niya.

“But nevertheless we agreed to have them examined for purposes of transparency and to prove that Robredo is not hiding anything nor is she afraid to face Marcos in his baseless and frivolous protest,” dagdag pa ng election lawyer. (Raymund F. Antonio)