AGOT AT ANGEL copy

BULONG ng source namin, sisimulan na ng Star Cinema ang shooting ng pelikulang Darna sa direksiyon ni Erik Matti.

Tulad ng matagal nang usap-usapan, si Angel Locsin ang magiging bida sa remake ng nasabing pelikula na matatandaang pinagbidahan din ni Vilma Santos. Pero baka raw mga eksena muna na wala si Angel ang kunan.

Sabi ng aming source, wala nang dapat alalahanin ang produksiyon sa kalusugan ni Angel dahil maayos na ito. Pero hindi pa rin naman daw sila makapagsimula agad-agad dahil sa inaayos pa ang naging problema sa buhok ni Angel.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Kumpirmado na naglagas ang buhok ni Angel dahil sa maling treatment na ginawa sa kanya.

Dagdag pa ng source, pinagbabalakan ng Star Cinema na isali ang Darna sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Samantala, ikinuwento rin ng source na magkasamang umakyat sa isang bundok sa Hong Kong si Angel pero hindi ang tinatawag niyang “wifey” na si Bubbles Paraiso ang kasama kundi si Agot Isidro. (Jimi Escala0