Kinumpirma ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Zenaida Maglaya na naglaan ang gobyerno ng P1 bilyon pondo para sa alternatibo sa 5-6 na pagpapautang ng mga Bumbay, at tatlong lugar sa bansa ang napiling pilot areas.

Sa ASEAN Economic Community and Philippines-European Union (AEC-PH-EU) stakeholder briefing sa Region 4A kamakailan, sinabi ni Maglaya na napili na ng kagawaran ang Tacloban City sa Leyte, San Jose sa Occidental Mindoro, at Saranggani para roon ilunsad ang nasabing programa.

Naglaan ang gobyerno ng P1 bilyon sa bawat lugar, ngunit ang kabuuan ng implementasyon sa iba pang mga probinsiya ay nakasalalay sa magiging kahihinatnan ng launching sa nabanggit na mga lugar.

Dagdag pa ni Maglaya, makahihiram ng P5,000 hanggang P100,000 ang maliliit na negosyo sa nasabing pagpapautang ng DTI. (Danny J. Estacio)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists