NAGKAROON ng pagkakataon na makapagpahinga ang mga pambatong panabong sa 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby nang sumang-ayon ang finals qualifier mula sa unang batch na makapaglaban sa second batch qualifier na may mga marka na 2, 2.5, 3 at 3.5 puntos.

Kabuuang 70 sultada ang nakalinya ngayon simula sa 2:00 ng hapon sa Newport Theather ng Resorts World-Manila sa Pasay City.

Itinataguyod nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea, sa pakikipagtulungan nina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong, ang World Pitmasters Cup ay suportado rin ng Thunderbird Platinum, Resorts World Manila at Warhawk.

Makakasama sa grand finalist na may 5 panalo ang BYB Palawan Gold LTD (Benjie Baguio/Michael Decena); NKVF Elise Wild Roosters-1 (Mayor Yoyong Yap of Glan, Saranngani) at Risk Taker RSF RMD (Jojo Gatlabayan/Roger Felix).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May tsansa pa rin ang American breeder na sina Kelly Everly (Kentucky) & Phil Sneed (Tennessee) na may entry Roan Phil (sa pakikipagtambalan kay Jun Bacolod) tangan ang 4.5 puntos, habang ang lady breeder na si Tammy Shive Ayala ay may apat na puntos para sa entry na Green River Farm EP RJM kasama ang Pinoy na si Pao Malvar.

Sabak din sa semifinal na may apat na puntos ang Desert Strom (Banjo Hilajan); Ayah (Banjo Hilajan); March 30 5-Cock Rever Col. Pangasinan (Sec. Bebot Villar/Boss Jepoy/Mel Lim); Speedrib Ylocos Warrior (Edrib/P. Barreda/R. Grancho); NJJR Roosterville (Narwin Javelosa/Gov. Mercado/Gov. Plaza); Accert (Madam Procy); Pleasant BNS of Jake Javier & the late Bugsky Ngsuy); AA Vikings – B (Atong Ang); AA Vikings – A (Atong Ang); Archers (Felix Gatchalian); Sta. Maria/Abada/Sr. Redro GR (RB/GR/PMU/RY); ATY Duhatan (Alex Ty); Blue Blade – 6 (Engr. Sonny Lagon) at Pastilan Paniguro Apr. 8 (Atty. Arcal Astorga).

Gaganapin ang grand finals bukas tampok ang 110 sultada.