Kinuwestiyon ng House Committee on Transportation Land Transportation Office (LTO) sa kontrata sa pag-iimprenta ng driver’s license card na may limang taong bisa.
Sa pagdinig, tinanong ni Rep. Noel L. Villanueva (3rd District, Tarlac) ang mga opisyal ng LTO tungkol sa lohika ng kontrata sa pag-iimprenta ng five-year license cards gayong may printing contract na para sa mga lisensiya na may tatlong taong bisa.
“Hindi ba puwedeng pag-isahin na lang iyan, hindi ba gastos sa gobyerno na merong three years at may five years pa na contract?,” giit ni Villanueva. (Bert de Guzman)