slasher copy

MULING papagitna ang pinakamahuhusay na breeders at panabong sa bansa sa paglarga ng 2017 World Slasher Cup 1 sa Enero 23 hanggang Pebrero 1 sa Smart-Araneta Coliseum.

May kabuuang 300 entries, kabilang ang mga foreign breeder mula sa Kuwait, Indonesia, Malaysia, Taiwan at US, ang inaasahang sasagupa para sa minimithing Slasher title sa siyam na araw na aksiyon sa torneo na tinaguriang “Olympics of Cockfighting”.

“That’s why I enjoy cockfighting... I’ve seen the seemingly impossible happen before my eyes. For instance, just when I begin thinking I’m about to lose my fight, something quickly changes and the referee calls it in my favour,” pahayag ni 2016 Slasher II champion Magno Lim.

Kahayupan (Pets)

Furbaby na nag-iinarte sa dog food, kinagiliwan

Magsisimula ang 2-cock elimination sa Enero 23 hanggang Enero 25. Ang mga nanalo ay sasabak sa 3-cock semi-finals sa Enero 26-29.

Ang mga may iskor na 3.5 at 4 ay sasabak sa 4-cock pre-finals sa Enero 29-31. Ang mga walang talo sa iskor na 4.5 o 5 ang tatanghaling World Slasher Cup champion.

Isasabak ni Lim ang kanyang pamosong linya na MLG 63. Kasama si Gary Tesorero, napagwagihan nila ang torneo sa nakalipas na taon.

Itinataguyod din ang Slasher Cup ng Petron, Thunderbird, at B-Meg. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Ticketnet (911-5555).