Obama at Earnest copy

WASHINGTON (AP) — Pumila ang mga staff ng White House malapit sa Oval Office, pababa sa hallway patungo sa Cabinet Room, kasama ang kanilang mga asawa at anak, at isa-isang pumasok para sandaling makasama si President Barack Obama, nagpakuha ng litrato at yumakap para magpaalam sa kanilang boss.

Nagsimula ang mass exodus nitong linggo sa White House, sa pag-eempake ni Obama at ng kanyang mga staff sa kanilang mga opisina at ibinalik ang kanilang mga BlackBerry. Para sa ilan na sumali sa team ni Obama pagkatapos ng kolehiyo, ito ang wakas ng natatangi nilang professional experience.

Ang mga huling araw ng administrasyon ng sino mang pangulo ay palaging bittersweet at hitik sa alaala, sa pagharap ng mga opisyal sa transition pabalik sa pagiging mga sibilyan na wala nang hawak na kapangyarihan. Malungkot ang mga staff ni Obama, na sa kabuuan ay natatakot sa papasok na administrasyon ni President-elect Donald Trump.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“It’s particularly hard knowing the next wave of people coming are going to be working to reverse the things you were working to advance until your very last hour,” sabi ni Nate Lowentheil, tatlong taong nagtrabaho sa National Economic Council ni Obama.

Sa pagpasok ni White House press secretary Josh Earnest sa James S. Brady Press Briefing Room noong Martes para magbigay ng kanyang huling press briefing — ang kanyang ika-354 bilang press secretary, ayon kay Earnest — naluha ang ilan sa kanyang mga deputy.

“I’m going to miss it,” sabi ni Earnest. “It will take some getting used to seeing somebody else standing up here doing it.”

Pagsapit ng Huwebes ng gabi, lahat sila ay kailangang lumisan upang bigyang daan ang grupo ni Trump.