MASAYANG ipinahayag ni Piolo Pascual ang mga layunin niya sa pagsalubong sa panibagong dekada ng kanyang career.
Nagdiriwang ang sikat na aktor ng kanyang pangalawang dekada sa entertainment industry. Nananatiling isa sa mga kinahuhumalingang matinee idols at versatile personalities sa industriya si Piolo na naniniwalang ang unang dekada niya ang nagsilbing daan upang makagawa siya ng pangalan at maihanda ang sarili sa pagsalubong sa pangalawang dekada.
“Professionally, my first half in the business is all about knowing yourself, knowing your identity, knowing what you can do, what you can offer. If you can sing, dance or act. It’s all about establishing myself in the industry,” paliwanag ni Piolo.
Naipamalas na niya ang kanyang talento sa larangang tinahak.
“Towards the next ten years, it was all about finding my niche and becoming a brand and just really establishing yourself as an artist,” saad niya.
Dahil dito, hindi na niya naiisip na umalis sa showbiz. Excited na siyang harapin ang mga susunod pang dekada sa career niya.
Nakilalang mapagkakatiwalaang aktor at mabait na tao pero may image rin si Piolo na “reserved” at “safe.” Ngayon, asahan daw ng kanyang fans na lalabas na siya sa kanyang comfort zone.
“I would also try to think outside of the box to know what I can offer my audience. I thought I’ve already reached my glass ceiling as an artist and now I’m turning a year old and as they say, ‘Life begins at 40’ and I kind of feel that,” sabi niya.
Marunong tumanaw ng loob si Piolo sa kanyang industriyang kinabibilangan at maging sa mga tao na naging bahagi na ng kanyang pamilya at tumanggap sa kanya sa loob ng mahabang panahon.
Sa pagtuntong sa 40 taong gulang, pinahahalagahan niya ang mga taong nagmulat sa mga mata niya upang pahalagahan ang mga natatanggap na biyaya.
Nagdiwang siya ng kaarawan kasama ang mga bata sa Hospicio de San Jose noong Disyembre 23. Nagsagawa rin siya ng charity event noong Enero 8 sa Justice Jose Abad Santos High School sa Binondo na dinaluhan ng malalapit na kaibigan niyang sina Rayver Cruz, Shaina Magdayao, Pooh, Jed Madela, Erik Santos, Angeline Quinto, Tippy Dos Santos, Khalil Ramos, Aaron Villaflor, Marion Aunor, Ylona Garcia, at Loisa Andalio.
Para naman sa bonggang selebrasyon, sa tulong ng StarStudio magazine ay sinorpresa siya ng pamilya at mga kaibigan ng surprise birthday party noong Enero 5.
Sa career, nais din niyang pagtuunan ang papoprodyus ng pelikula.
“I want to be able to do films that have social significance socially. I want to do more roles, especially now with the emergence of the indie films. Not necessarily bridge the gap, but I want the people to realize that a film is a film no matter how it’s done, whether it was indie or mainstream,” sabi ni Piolo.
Pinapag-isipan din niya ang posibleng career sa labas ng Pilipinas.
“Hopefully I want to be able to do something regionally, like an international film. But I’m not keen on getting into Hollywood because I don’t think I’m young or old enough to be in it,” paliwanag niya.
Bilang singer, maglalabas si Piolo ng bagong album na may titulong Piolo Pascual Greatest Themes. Kasalukuyan siyang nakikipag-ugnayan kay Ely Buendia para sa kaniyang bagong album. Pinag-iisipan na rin niya ang pagkakaroon ng concert.
Sa big screen, mapapanood na sa first quarter ng taon ang kanyang unang pelikula sa taong ito kasama si Yen Santos na pinamagatang My Northern Light.
“It’s a welcome change you know. Usually ako talaga ang ‘pina-partner sa ‘kin or sa mas experienced sa ‘kin. For me it’s already time for me to impart not necessarily what I can share but to give others the chance to explore as they are being paired with other people, because that is how they learn,” saad niya.
Ayon kay Piolo, malayo ang pelikulang ito sa mga dati na niyang ginawa.
“I was able to do away with the typical love story of boy-meets-girl and there’s no conflict like adultery. In this movie, we really delved into the heart of the family, the heart of a man, the core of a person,” pagbabahagi ni Piolo.
Bukod sa movie, inaayos na rin ang teleseryeng gagawin niya.
Bukod sa mga ito, namamayagpag pa rin si Piolo bilang ambassador at endorser. Bumibilang na ng mga taon ang endorsement niya sa BDO, SunLife, Under Armour at Essilor. Nadagdagan ito ng Dunkin Donuts at Mega Sardines ngayong taon.
Ang pamamayagpag ni Piolo sa big screen at small screen, sa endoresement, sa larangan ng musika at digital scene ang kumpirmasyon na siya nga ang ultimate star. Bilang tribute, nagkaroon ng grand musical celebration sa ASAP nitong Enero 15 para sa kanya. (DIANARA T. ALEGRE)