PLANO ng Facebook na makipagtulungan sa grupo ng mga independent journalist na tinatawag na Correctiv, na inaasahang tutukoy sa pagtupad o o hindi pagtupad ng isang balita sa antas ng tamang pamamahayag.

Napaulat din kamakailan na maglulunsad ang Facebook ng fake news filter system sa Germany, na magpapahintulot sa mga gumagamit nito na mag-fact-check at iulat ang mga istorya na pinaghihinalaan nilang hindi totoo.

Gayunman, naniniwala ang abogadong German na si Joachim Steinhoefel na ang konseptong “fake news” ay may malaking problem sa legal na pananaw at ang ideya ng “fight against fake news” ay maaaring hindi magtagumpay.

Pinangungunahan ni Steinhoefel ang website na Facebook-Speere na rito nakatala ang mga kaso ng maling pagkakaalis ng account at mga balita sa Facebook pati na rin ang mga kaso na ang social network ay hindi nagbura ng “information that should be removed according to the law.”

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo

Pinagdududahan niya ang kakayahan ng grupo sa likod ng Correctiv, na itinalagang tumukoy sa mga istorya kung peke ito o hindi patas ang pagkakalahad.

Sa partikular, inilahad ng abodgado na inaatake ng mga miyembro nito ang Alternative for Germany (AfD) party, ang right-wing movement na nagiging kilala sa Germany sa nakalipas na mga buwan.

“What is going on here is not a filtering of the fake-news and the reports that do not correspond with reality. This is an attempt of the political class to regain power, domination and control over political and public discourse by actively interfering in the fundamental rights guaranteed by the Constitution, in particular such as the freedom of the press and the freedom of speech,” saad ng abogado sa Sputnik Germany.

Ayon kay Steinhoefel, sapat na ang mga kasalukuyang batas na nagbabawal sa mga nakaiinsultong salita at mga hindi totoong pahayag.

“We do not need a new law or new wordings, such as Fake News or Hatespeech. All this is fog that it supposed to conceal from people the fact that their constitutional rights are being violated,” ayon pa sa eksperto. (PNA)