LOS ANGELES (AP) – sa isa pang pagkakataon, muling tinamaan ng lintik ang kampanya ng LA Clippers.

Ipinahayag ng team management nitong Miyerkules na sasailalim sa surgery ang leading point guard na si Chris Paul at hindi makalalaro sa loob ng anim hanggang walong linggo.

Sa inisyal na pagsusuri walang mabigat na pinsala sa kaliwang hinlalaki ni Paul, ngunit sa resulta ng scan, lumabas na may napinsalang ligament dito.

Nahila ng Clippers ang win streak sa pito matapos manalo sa Oklahoma City Thunder, ngunit na-bench si Paul nang maipit ang naturang daliri sa screen ni Joffrey Lauvergne sa play ni Russell Westbrook.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa kasalukuyan, nasa-bench din si Blake Griffin na sumailalim din sa operasyon nitong Disyembre.

Tangan ni Paul ang averaged 17.7 puntos, 9.8 assist, 5.3 rebound at 2.25 steal.