NAKAHANDA na ngayong araw ang paglilibot ng mga kandidata ng Miss Universe sa Cavite.

Magkakaroon ng photo ops ang mga kalahok sa tanyag at kaakit-akit na Mt. Pico de Oro, na kilala rin bilang Mt. Palay-Palay sa Naic at Maragondon, dalawang bayan sa upland 10th district. Ang Pico de Loro o “tuka ng loro” ay ipinangalan ng mga Kastilang maglalayag dahil ang tuktok ng bundok na kahawig ng tuka ng naturang ibon.

Mahigpit ang seguridad sa Miss Universe contestants kaya bukod sa police escorts ay may itinalaga ring daan-daang pulis sa mga pupuntahan ng mga kandidata ayon na rin sa tagubilin ni Senior Superintendent Arthur Velasco Bisnar, Cavite Police Provincial Office director.

Ang makasaysayang Cavite ang pinakamalapit na probinsiya sa timog na bahagi ng Metro Manila. Ang paboritong puntahan ng mga dayuhan at lokal na turista sa Cavite ay ang Aguinaldo Shrine sa Kawit, ang Tagaytay Ridge na tanaw ang matulaing Bulkan at Lawa ng Taal at Mount Pico de Oro.

'It's Showtime,' tuloy ang ere sa GMA sa 2025

Samantala, sinalubong ng malamig na klima ang 29 na kandidata ng Miss Universe na nagtungo sa Baguio City kahapon.

Naitala ang 12.6 degrees Celsius sa City of Pines kahapon ng umaga ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Sa kabila nito, dumagsa pa rin ang maraming bisita, turista at residente sa Session Road para mapanood ang parada ng naggagandahang kandidata para sa Panagbenga festival.

Dumating ang mga kandidata sa Loakan Airport ng tanghali kahapon at sinalubong ng arrival honor rite ng mga kadete ng Philippine Military Academy.

Sumakay ang mga kandidata sa apat na kaakit-akit na float kasama ang kasalukuyang Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa parada na nagsimula sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government.

Bukod sa gala dinner, bumisita rin ang mga kalahok sa Baguio Country Club para sa tree planting at strawberry picking, arts at culture activities, at invitational golf tournament.

Kabilang sa mga kandidatang nagtungo sa Baguio City sina Ms. Australia Caris Tiivel, Ms. Aruba Charlene Leslie, Ms. Albania Lindita Idrizi, Ms. Barabados Shannon Harris, Ms. Canada Siera Bearchell, Ms Columbia Andrea Tovar, Ms. Denmark Christina Mikkelsen, Ms. Italy Sophia Sergio, Ms. Israel Yam Kaspers Anshe, Ms. Haiti Raquel Pelissier, Ms. Guam Muneka Joy Cruz, Ms. Japan Sari Nakazawa.

Nagtungo rin sa Baguio ang mga kandidata na sina Ms. France Iris Mittenaere, Ms. Finland Shirly Karvinen, Ms. Kenya Mary Were, Ms. Korea Jenny Kim, Ms. Kosovo Camila Barraza, Ms. Malta Martha Fenech, Ms. Mauritius Kushboo Ramnawaj, Ms. New Zealand Tania Dawson, Ms. Norway Christina Waage, Ms. Peru Valueria Piazza, Ms. Puerto Rico Brenda Jimenez, Ms. Spain Noelia Freire, Ms. Slovenia Lucija Potocnik, Ms. South Africa Ntandoyenkosi Kunene, Ms. Sweden Ida Ovmar, at Ms. US Virgin Island Carolyn Carter. (FREDDIE LAZARO at ANTHONY GIRON)