Vatican Pope

Isang taon matapos ang kontrobersyal niyang pahayag, nagpadala ng liham ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte kay Pope Francis sa pagbisita nito sa Pilipinas noong 2015.

Ipinaabot ng Pangulo ang kanyang liham para sa Papa kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, na dumating sa Rome, Italy kahapon.

“Tomorrow, we will be at Vatican in the morning to hopefully meet the Pope in the ‘bacciamano’ kissing of the hand, done only on Weds) and possibly hand to His Holiness a personal letter of President Duterte thanking Him for the Phil papal visit last year,” paskil ni Dureza sa kanyang Facebook account.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Bumiyahe si Dureza sa Rome para dumalo sa ikatlong serye ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno at ng mga komunistang rebelde.

Matatandaan na noong 2015, nagmura ang noo’y kumakandidatong si Dutetre sa aniya’y matinding trapik na idinulot ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa noong Enero 2015.

Kasunod nito ay humingi rin ng tawad si Duterte sa Papa sa pamamagitan ng isang liham na sinagot naman ng Vatican.

“The Holy Father offers the assurance of his prayers for you, as he invokes upon you the divine blessings of wisdom and peace,” saad sa liham ng Vatican kay Duterte, na may petsang Pebrero 24. (GENALYN D.KABILING at BETH CAMIA)