DONNA copy

NAGULAT ang showbiz industry sa biglaang pagpanaw ng film and television producer na si Donna Villa. Pumanaw ang dating aktres sa edad na 57 sanhi ng cancer. Isinugod sa UST Hospital si Donna noong January 10 at binawian ng buhay pagkaraan ng isang linggo.

Tinaguriang mega couple sina Donna Villa at ang asawang si Carlo J. Caparas na maaalalang nagprodyus ng sunud-sunod na mga pelikulang tumabo sa box office noong 90s. Sinasabing masuwerte ang kanilang partnership bilang producer-director. Nag-umpisa silang magprodyus ng “massacre films” na tumalakay sa naganap na heinous crimes noong dekada ‘90. 

Ang ilan sa mga nagawa nilang pelikula na naging blockbuster hit ay ang Vizconde Massacre: God Help Us (1993), The Myrna Diones Story (Lord Have Mercy) (1993), Lipa Massacre: Lord Deliver Us From Evil (1994) at Antipolo Massacre: Jesus Save Us! (1994).

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Bumubuhos ang pakikiramay sa mga naulila ni Donna sa social media at ginugunita nila ang pagiging generous ng lady producer sa sinumang lumalapit sa kanila ni Carlo J. para humingi ng tulong o kahit na hindi naman humihingi ng anuman sa kanila.

Lahat ay nagkakaisa na malaking kawalan sa industriya ng pelikula at telebisyon ang pagpanaw ni Donna.

As of press time, inaayos pa ng pamilya ni Donna kung saan ilalagak ang kanyang mga labi at kung kailan ang libing.

Sa mga naulila ni Donna, taos-puso po kaming nakikiramay at ang pamunuan ng diyaryong Balita. (Ador Saluta)