Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

2 n.h. -- Opening Ceremonies

3 p.m. - AMA Online Education vs Batangas

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

SISIMULAN ng AMA Online Education ang kampanya sa pagbubukas ng 2017 PBA D-League Aspirants' Cup sa pagsabak kontra baguhang Batangas sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Mataas ang kumpiyansa ng koponan, inaasahan ni coach Mark Herrera na magiging maganda ang kahihinatnan ng kanilang kampanya matapos makuha ang serbisyo ni dating La Salle skipper Jeron Teng sa nakaraang 2016 PBA D-League Draft.

"Masayang masaya kami dahil malaking bagay yung pagpasok ni Jeron Teng sa team namin," ani Herrera. "Morale boost pa lang, malaki na talaga sa amin."

Mula nang lumahok sa liga, hindi pa nakakalagpas ng quarterfinals ang AMA.

Ngunit, ngayong conference umaasa si Herrera na makakaabot sila ng Final Four sa tulong din nina Jay-R Taganas at Ryan Arambulo, kasama ang mga bagong recruits na sina Diego Dario at Juami Tiongson.

Matutunghayan naman sa unang pagkakataon ang nabuong koponan ng 2- time champion coach na si Eric Gonzales para sa Batangas.

"We will try to compete to the best of our team," ani Gonzales na sasandig sa mga dating NCAA standouts na sina Dan Sara at CJ Isit para pamunuan ang koponan ng mga Batangueño.

Magsisimula ang pagtutuos ng dalawang koponan sa solong laro ngayong 3:00 ng hapon kasunod ng simpleng opening rites ganap na 2:00 ng hapon. (Marivic Awitan)