MUKHANG pinagwo-workshop ulit ang aktor na kasama ngayon sa teleserye na binubuo ng mahuhusay na artista dahil hindi raw nakakasabay.
Nawawalan ng focus at masyado raw kasing malikot ang mga mata ng aktor na kailangang gamutin dahil hindi magandang panoorin sa screen. Mabuti na nga lang daw at hindi major role ang papel niya sa nasabing teleserye.
“Hindi pa niya kayang maging bida o bigyan ng mabigat na papel, nilalamon siya ng mga kasama niya. Kailangan pa niyang dumaan sa series of workshop. Hindi naman puwedeng pang-boy next door lagi ang papel niya,” sabi sa amin ng isang TV executive.
Oo nga, hindi pa namin nakitaan ng maayos na acting ang aktor. Kailangan niyang mag-level up para hindi siya sumunod sa mga yapak ng isa pang naunang aktor sa kanya na gayong ilang beses nang binigyan ng chance ay waley pa rin.
“Good thing, nakikinig siya at masunurin, kulang lang talaga siya sa focus,” sabi pa ng source namin. (Reggee Bonoan)