Kailangan ng Philippine National Police ng 2,000 tauhan para sa Crime Laboratory nito.

Inihayag ni PNP Crime Lab Director, Chief Supt. Aurelio Trampe, mayroon lamang isang Scene of Crime Operative (SOCO) team ang bawat police district at sa dami ng mga tinatakbong responde inuumaga sila sa pag-iimbestiga sa crime scene.

Ayon pa kay Trampe, kung palaging ganito ang sitwasyon masyado ng lagare ang kanilang mga tauhan at hindi maiiwasang magkaroon ng epekto sa kanilang trabaho dahil sa sobrang pagod sa araw-araw. (Fer Taboy)

Vhong, Darren in-expose paghuhubo ni Vice Ganda!