logo breaking news

Kinumpirma ng acting spokesman ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WesMinCom) na pinalaya na ang dalawang Pinoy na binihag ng bandidong Abu Sayyaf sa Indanan, Sulu.

Ayon kay Lt. Col. Franco Alano, ang dalawang Pinoy na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ay tuluyan nang pinalaya dakong 3:00 ng umaga kanina.

"Yes, there were two hostages release. They were freed at around 3 a.m. Thursday," pagkukumpirma ni Alano.

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Sinabi ni Alano na batay sa kanilang assessment, pinaigting na military operations laban sa Abu Sayyaf at sa iba pang grupo ng terorista ang posibleng dahilan kung bakit pinalaya ang mga bihag.

"Intensified operations coupled with the sending of additional troops is the most probable cause of the release in Indanan, Sulu," sambit ni Alano.

Bukod dito, ayon kay Alano, inaasahan nilang palalayain na rin ng mga bandido ang iba pa nitong mga bihag sa mga susunod na araw. (FRANCIS T. WAKEFIELD)