Dalawang bata ang nasawi sa sunog na tumupok sa mahigit 50 bahay sa Davao City, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Davao City, nangyari ang sunog dakong 2:00 ng umaga sa Dapsa Purok 12, Barangay 76-A sa Bucana, Davao City.

Batay sa imbestigayon ni SFO4 Dioscoro Baja, kinilala ang mga nasawi na sina Angelie Gales, tatlong taong gulang; at ang isang taong gulang na si Rodel Gales, kapwa residente sa lugar.

Nasa trabaho bilang kapwa security guard ang mga magulang ng mga biktima nang sumiklab ang sunog, ayon sa report.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nabatid na nagsimula ang sunog sa bahay ng kapitbahay ng mga bata na si Norberto Alburuto, makaraang magliyab ang electric fan nito.

May hinala ang mga bombero na electrical short circuit ang dahilan ng sunog, na tumupok sa may 50 bahay. (FER TABOY)