MARAMI ang nagtatanong kung matutuloy pa ba ang teleseryeng pagbibidahan ng isang aktres. Sabi ng mga kaibigan ng aktres na kakilala namin, bigla na lang daw itong hindi binabanggit sa kanila.
Napaka-excited daw kapag nagkukuwento noon ang aktres sa mga kaibigan niya dahil sa wakas ay magiging bida na siya sa teleserye at hindi na support lang.
“Kaya lang nitong huli, wala na siyang binabanggit kung nag-taping na o hindi pa. Tinatanong ko kapag nagkikita kami, pero iniiba na niya ang topic. Tuloy pa ba?” tanong sa amin.
Sinabi namin, naririnig din namin dati na meron ngang pagbibidahang serye ang aktres, pero tila nagkaproblema sa script at sa aktres mismo. Parang hindi na raw bagay sa kanya ang role dahil nagbago ang itsura. So, hindi na rin kami sigurado kung tuloy pa ang kinasasabikan pa naman niyang project.
Tinanong namin ang common friend namin ng aktres kung ano ba ang nabago sa itsura niya na naging dahilan para mabimbin o hindi na itinuloy ang seryeng pagbibidahan.
“Parang tumaba ng konti, ‘yun lang naman ang nakita naming pagbabago. Saka we saw her mga three months ago?” sabi sa amin.
Actually, parang nawawala ngayon sa limelight ang aktres. May nagsabi naman sa amin a busy sa indie film na ginagawa.
At least may raket ang aktres, dahil siya pa naman ang breadwinner ng pamilya. (Reggee Bonoan)