Mr. & Mrs. Virgilio & Armi Kuusela-Hilario copy

RAMDAM na ramdam na ang Miss Universe fever sa Pilipinas. Hindi na magkandatuto ang mga kababayan natin sa pagsubaybay sa ginaganap na pre-pageant activities ng Miss Universe sa bansa. Mapabata o matanda, babae o lalaki, beki o tomboy – lahat ay excited sa inaabangang 65th Miss Universe Grand Coronation Night.

At siyempre, umaasa ang lahat na masusungkit ng pambato ng Pilipinas na si Maxine Medina ang korona na kung sakali ay magbibigay sa Pilipinas ng back-to-back win mula sa pagkapanalo ni Pia Wurtzbach noong nakaraang taon.

Pero bago ‘yan, sulyapan muna ang kontrobersiyal na trivias sa kasaysayan ng Miss Universe.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Ang kauna-unahang Miss Universe na kinoronahan noong 1952 ay boluntaryong isinuko ang korona kapalit ng pagpapakasal sa isang Pilipino. Si Armi Helena Kuusela ng Finland ay pumunta sa Pilipinas noong 1952 dahil sa paanyaya ng Philippine International Committee makaraang koronahan. Noon niya nakilala sa Virgilio Hilario. Wala pang isang taon sa termino, nagpasakal ang dalawa at isinuko ni Kuusela ang korona at titulo upang mamuhay bilang isang maybahay.

Pilipinas ang nagtala ng may pinakamaraming Most Photogenic Awards sa Miss Universe. Pitong Pilipinang kandidata ang pinarangalan ng award na ito: 1971, 1973, 1996, 1997, 2005, 2006 at 2007. Sa kasalukuyan, wala pang ibang bansa na lumalampas sa naitatalang bilang na ito ng Pilipinas.

Si Lizbeth De Padua ang kauna-unahang UP summa cum laude na sumali sa Miss Universe noong 1975. Siya ay graduate ng biology sa University of the Philippines–Los Banos. Ngunit sa kasamaang-palad, hindi nakapasok si De Padua sa Top 10, na sumira diumano sa tatlong taong sunud-sunod na pagkapasok ng mga Pilipinang kandidata sa semi-finals ng timpalak.

Isa si Pia Alonzo Wurtzbach sa tatlong pinakamatatanda na kinoronahang Miss Universe. Nakasaad sa rules ng pageant na 18 hanggang 26 na taong gulang na mga kandidata lamang ang maaaring sumali. Base sa report, pinakamaraming kandidata ang nagwagi sa edad na 18. Si Pia, kasama sina Brooke Lee ng US at Wendy Fitzwilliam ng Trinidad and Tobago ang pinakamatatanda na nagwagi sa edad na 26.

Binali ni Shamcey Supsup-Lee ang diumano’y sumpa na ayon sa missosologists (a.k.a beauty pageant experts) ay ‘UP curse’ sa mga UP alumna na kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe nang masungkit niya ang third runner-up noong 2011. Ilang alumni mula sa UP ang hindi nakapasok sa semi-finals hanggang sa magwagi si Shamcey.

Si Gloria Diaz ang unang Pilipina na nanalo ng Miss Universe noong 1969. Pagkaraan ng apat na taon, sumunod naman si Margarita “Margie” Moran. Apatnapung taon ang hinintay ng Pilipinas bago muling nagkamit ng Miss Universe title sa pamamagitan ni Pia Wurtzbach noong 2015 mula kay Margie noong 1973.

Ang United States of America ang nagkamit ang pinakamaraming titleholders sa history ng Miss Universe sa rekord na pitong titleholder, walong first runners-up, anim na second runners-up, isang third runner-up, limang fourth runners-up, anim na finalists, at 18 semi-finalists.

Pumapangalawa naman sa rekord ng may pinakamaraming naiuwing titulo ang Venezuela na may kabuuang 37 candidates na nakapasok sa semi-finals.

May taas na 6 feet 1 inch, si Miss Domican Republican 2003 Amelia Vega ang pinakamatangkad na kinoronahang Miss Universe.

Kabaligtaran naman nito, 5 feet 4 inches ang nagwaging si Apasra Hongsakula ng Thailand, sa Miss Universe 1965 at tinaguriang pinakamaliit na pinakamagandang babae sa balat ng lupa sa buong kasaysayan ng pageantry.

(DIANARA T. ALEGRE)