BALLESTEROS, Cagayan - Pinagbabaril ng riding-in-tandem ang isang mag-ama habang magkaangkas sa motorsiklo ang mga ito, na ikinasawi ng nakatatandang biktima, sa Ballesteros, Cagayan.

Kinilala sa ulat kahapon ng pulisya ang nasawi na si Wilfredo Pascua, dating kagawad ng Barangay Bulala Sur sa Aparri.

Sa pagsisiyasat ng Ballesteros Police, binabagtas ng mag-ama ang provincial road sa Bgy. Mabuttal nang pagbabarilin ang mga ito ng mga suspek na sakay sa motorsiklo.

Napuruhan sa mga bala ang nakatatandang Pascua habang nagtamo naman ng mga galos ang anak nito sa pagsemplang ng motorsiklo. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match