IAN copy copy

NAGULAT at nagtataka si Ian Veneracion sa kumakalat na isyung may “something” daw sila ni Jessy Mendiola. Girlfriend ni Luis Manzano si Jessy kaya nagtataka si Ian kung paano nabuo ang ganitong isyu.

Kung anuman daw ang pinanggagalingan ng tsismis, wala itong basehan. Unang-una, hindi pa naman sila nagkakasama ni Jessy sa anumang proyekto.

Kung nagkasama na sila sa pelikula, teleserye o show man lang, maaaring may pagsimulan ng intriga.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

“Kadalasan nangyayari kasi sa mga artistang magkasama sa isang pelikula o serye na kung kailangan ang medyo pampaingay, eh, may lalabas na ganu’ng klaseng isyu, pero sa amin ni Jessy, eh, wala pang ganu’ng pangyayari,” sabi ni Ian.

“Sa totoo lang naman hindi ko talaga alam, hindi naman kami naging magkatrabaho. Siguro sa showbiz mas importante ang juicy factor kaysa factual basis,” banggit ng actor na pinagkaguluhan ng female fans ngayon.

Sa presenteng estado nga naman na maraming girls ang nagkaka-crush, hindi maiiwasan na maglabasan ang kung anu-anong pang-iintriga sa kanyang love life.

Ang mas nakakapagtaka, kung sino pa ang leading lady niya, iyon pa ang hindi nali-link sa kanya, tulad ni Iza Calzado na gumaganap bilang asawa niya sa pelikulang Ilawod.

“Nu’ng kami ni Jodi Sta. Maria never din naman kaming natsismis, dahil alam ng mga fans at supporters namin na happy kami sa aming mga personal na buhay,” sey ng actor.

Ikinuwento ni Ian na nagkita sila ni Jodi habang nagbabakasyon sa Iceland kasama ang kani-kaniyang pamilya.

“Sa last vacation namin ng pamilya, nagkita pa kami ni Jodi sa Iceland. May ilang tour activities na nakasasama namin sila, pero kanya-kanya kaming schedules,” lahad ng Kapamilya actor.

Wala ring posibilidad na magkaroon sila ng “something “ ni Iza na masaya rin ang love life kay Ben Wintle. Katunayan, anumang sandali ay maaaring yayain na ng huli ang aktres para magpakasal.

Ang maganda, tinitiyak ni Ian na hindi niya kayang lokohin ang wife niya.

“Kung magloloko ako sa misis ko, I don’t need to wait na ang leading lady ko ang makarelasyon ko. Kung gugustuhin ko lang, sana noon pa,” nakangiting banggit ng sikat na actor. (JIMI ESCALA)