Isang lalaki na kilala umano sa pagtutulak ng ilegal na droga ang naaresto ng mga tauhan ng Makati City Police sa buy-bust operation sa lungsod, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Makati City Police chief Senior Supt. Milo Pagtalunan ang suspek na si Ron Denise Jabatan, alyas “Ronron”, 26, ng Block 784, Lot 12, Jasmine Street, Barangay Pembo ng nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, dakong 11:30 ng gabi nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG), sa pangunguna ni Senior Insp. Valmark Funelas, laban kay Jabatan sa Jasmine St., Bgy. Pembo.

Isang pulis na tumayong poseur buyer ang sinasabing pinagbentahan ng suspek ng droga na naging sanhi ng kanyang pagkakaaresto.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

Narekober sa suspek ang pitong maliit na plastic sachet ng umano’y shabu, isang timbangan, isang motorsiklo at buy-bust money.

Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa laban kay Jabatan.

(Bella Gamotea)