MELBOURNE (AP) – Sinabi ni Australian Transport Minister Darren Chester noong Miyerkules na patuloy na pag-aaralan ng mga eksperto ang data at debris mula sa Malaysia Airlines Flight 370 upang matukoy ang kinabagsakan nito sa Indian Ocean.

Ngunit tumanggi si Chester na banggitin kung anong breakthrough ang kukumbinse sa mga opisyal upang ituloy ang paghahanap sa nawawalang eroplano na itinigil nitong linggo matapos ang halos tatlong taon.

Idinepensa ni Chester ang desisyon. “We don’t want to provide false hope to the families and friends. We need to have credible new evidence leading to a specific location before we would be reasonably considering future search efforts,” aniya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'