MATTEO AT ALEX copy

BAGO ang katambal ni Matteo Guidicelli sa Across The Crescent Moon, si Alex Godinez, na related sa concert King na si Martin Nievera.

Nagkatawanan sa presscon ng pelikula nang may magtanong kung totoong nagselos si Sarah Geronimo dahil sa love scene nina Matteo at Alex. Gumaganap sila as husband and wife sa movie.

“Hindi po naman nagselos, dahil sinabi ko na agad kay Sarah na may sleeping scene kami ni Alex sa movie,” natatawang sagot ni Matteo. “Close friends na kami ni Alex noon pa, magkaklase kami sa high school ten years ago.”

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Nagkatawanan uli nang sabihin naman ni Alex na puppy love lamang sila noon ni Matteo, na ikinorek naman ng actor.

“I don’t know he’s into acting dahil matagal akong nag-stay abroad,” sabi ni Alex. “We have been dating noon but I have a boyfriend now. Past is past na at we are here for our work. I’ve been acting since I was nine, but this is my first movie and it’s nerve-wracking pala. Pero nagpapasalamat ako dahil mahuhusay lahat ng mga kasama ko at hanga ako sa director namin, si Tita Baby Nebrida, ang husay niya.”

Inamin ni Matteo na ayaw sana niyang gawin ang love scene, pero ginawa pa rin niya.

“It was done in different ways to implement ‘yung love scene because we don’t need to do the love scene kumbaga, we still did it but not the physical love scene, it was implemented the way Direk Baby shot it. It’s okay, it turned out well.

“But like what I’ve said, I respect my girlfriend and I told her naman in the beginning that I have this leading lady na that was my ex, and she was okay naman with it.”

First time ni Matteo to play a Muslim, anak siya nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na member ng Special Action Force (SAF) at lahat ng eksenang ipinagagawa ay sinunod niya, kahit mahihirap. Todo action movie kasi.

“It was a challenge, sana mag-enjoy ang mga tao lalo na ang mahilig sa action movies. Pero hindi lang ang kabuuan ng pelikula ang sana ay magustuhan nila but the message of the film. Tungkol ito sa pagrespeto ng mga Pilipino sa kapwa Pilipino equally at pagsugpo sa korupsiyon, drugs at human trafficking na siyang main issue sa movie,” pahayag ni Matteo.

Puring-puri nina Ms. Dina Bonnevie at Boyet ang professionalism ni Matteo. Sa katunayan, kahit may sakit na ay tuluy-tuloy pa ring nag-shooting.

“Wala ‘yon, kasi tuluy-tuloy ‘yung shooting namin at mahirap talaga ‘yung mga eksena, but I’m not complaining. It was all challenges and it was worth the fun. They asked me if I got hurt in this film and I said, no, but in reality I got... ang dami kong mga pasa, mga sugat but it’s all part of it. Kapag siguradong action scenes, you’ll get hurt a bit so... but it was fun.”

Hindi dapat palampasin ang Across The Crescent Moon na lahat ng mga nakapanood sa preview pagkatapos ng grand presscon ay nagsabing napakaganda ng pagkagawa ni Direk Baby. Mahuhusay ang mga artista, (kasama rin si Gabby Concepcion), pati ang mga baguhan pa lang, at tamang-tama itong tribute sa anniversary ng Mamasapano tragedy na nangyari noong January 2, na siya ring opening ng movie.

May kurot sa puso ang Across The Crescent Moon at hindi namin napigilang mapaiyak sa ilang eksena.

Sayang, bakit kaya hindi ito napili ng screening committee ng Metro Manila Film Festival 2016? (Nora Calderon)