Inatasan ng Office of the Court Administrator ng Korte Suprema ang lahat ng mga hukuman sa bansa na magsumite ng ulat kaugnay sa estado ng mga nililitis nilang kaso na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.

Sa OCA Circular na may petsang Enero 9, 2017 at pirmado ni Court Administrator Jose Midas Marquez, kailangang magsumite ng summary report ang lahat ng regional trial court (RTC) na may hawak na kasong may kaugnayan sa droga.

Noong Mayo 2016, nabatid na mahigit 128,000 kaso ng ilegal na droga ang nakabinbin sa mga RTC sa buong bansa.

(Beth Camia)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji