Ihihirit ng Samahan ng mga Ex-Detainees laban sa mga Detensiyon at Aresto (SELDA) kay Pangulong Duterte ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga biktima ng human rights violation noong panahon ng martial law.

Ayon kay Bonifacio Ilagan, vice chairman ng SELDA, tatalakayin nila ito sa pakikipagpulong ng kanilang grupo kay Pangulong Duterte sa Malacañang ngayong araw.

Ayon kay Ilagan, magpahanggang ngayon ay hindi pa tapos ang screening kung sinu-sino ang mapapabilang sa opisyal na listahan ng aabot sa 75,000 martial law victims sa kabuuan ng applicant claims.

Bukod dito, susubukan ding talakayin sa Pangulo ang pagpapalaya sa mga political prisoner, partikular na ang mga may sakit at matatanda.

National

'Stop talking about me!' Padilla, dumepensa sa sinabing 'weak' ang kabataan

Kasama sa pagpupulong sina dating Bayan Muna Party-list Rep. Satur Ocampo, SELDA Chairman Marie Enriquez at ilang kaanak ng mga biktima ng martial law. (Beth Camia)