Patay na nang matagpuan ang isa sa mga miyembro ng Bureau of Fire and Protection (BFP) sa loob mismo ng inuupahan niyang bahay sa Caloocan City nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Ely Ann Insigne, 28, ng Marulas Street, Barangay 36, Caloocan City.

Base sa imbestigasyon, dakong 7:30 ng umaga, pinuntahan si Insigne ng kanyang mga kapitbahay at dito tumambad ang bangkay ng una.

Ayon kina Michel Mañaol at Catherine Borillo, mga saksi, natagpuan nilang patay si Insigne habang nakabulagta sa semento.

National

'Stop talking about me!' Padilla, dumepensa sa sinabing 'weak' ang kabataan

Dito na humingi ng tulong sa awtoridad sina Mañaol at Borillo at ini-report ang kanilang nakita.

Sa follow-up operation noong araw ding iyon, inaresto si Dexter Tulaylay, 27, kinakasama ni Insigne, na umaming siya ang pumatay sa biktima.

Inamin din ni Tulalay na nasa impluwensiya siya ng ilegal na droga nang mangyari ang insidente.

Kasalukuyang nakakulong sa Caloocan Police headquarters si Tulalay. (Jel Santos)