Puspusan ngayon ang paghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa 10 tripulante ng isang barko na nasunog habang naglalayag sa Corregidor Island.

Ayon kay PCG Spokesperson Commander Armand Balilo, nakumpirma ng ahensiya na bahagya nang lumubog ang M/V Virginia sa layong 1.5 nautical miles sa timog-kanluran ng Corregidor Island.

Kaagad namang nagpadala ng responde ang PCG sa pamamagitan ng rescue assets nito upang hanapin ang mga nawawalang tripulante.

Bandang 1:20 ng umaga kahapon nang unang napaulat na nasunog ang bahagi ng makina ng M/V Virginia.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nanggaling ang barko sa Delpan sa Binondo at patungo sa Roxas, Palawan. (Beth Camia)