Sylvia copy

MAY bago na namang award-giving body ngayong 2017, ang Guild of Educators, Mentors and Students o GEMS na bagong tatag ni Mr. Norman Mauro Llaguno ng Laguna Bel-Air Science High School.

Binubuo ang GEMS ng mga academician mula sa iba’t ibang paaralan, mga propesyonal mula sa mga pribadong institusyon at sektor ng lipunan, at mga mag-aaral ng mga prestihiyosong kolehiyo at pamantasan.

Magbibigay sila ng mga parangal sa larangan ng radyo, panulat, telebisyon at pelikula.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa kanilang kauna-unahang gawad parangal ay Best TV series ang FPJ’s Ang Probinsyano at Best Actor si Arjo Atayde.

Hindi nagpakabog kay Arjo ang nanay niyang si Sylvia Sanchez dahil ito ang Best Actress para naman sa The Greatest Love.

Binigyan din ng special award si Coco Martin sa napakahusay niyang pagganap bilang si Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya hinirang siya bilang Natatanging Hiyas ng Sining sa Telebisyon .

Kabilang din sa mga nanalo sina Zanjoe Marudo bilang Best Actor in a Single Performance sa episode na “Anino” ng Maalaala Mo Kaya at si Coleen Garcia na hinirang na Best Actress in a Single Performance sa Kadena” episode ng Maalaala Mo Kaya.

Naririto ang iba pang mga nanalo sa larangan ng telebisyon:

Best News Program - State of The Nation (GMA News TV); Best Male News Program Anchor - Mike Enriquez, 24 Oras (GMA-7); Best Female News Anchor - Jessica Soho, State of The Nation (GMA News TV); Best Television Programs/Shows, Top 5:

I-Witness, Documentary (GMA-7), Maalaala Mo Kaya, Drama Anthology (ABS-CBN), Kapuso Mo, Jessica Soho, Magazine (GMA-7), Eat Bulaga, Variety (GMA-7), ASAP, Musical Variety (ABS-CBN); Best Television Program/Show Emcees, Top 5: Lourd de Veyra - History With Lourd (TV5); Jessica Soho - Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7); Kara David - IWitness (GMA-7); Boy Abunda - Tonight With Boy Abunda (ABS-CBN); Atom Araullo - Red Alert (ABS-CBN); Best TV Special - Eleksyon 2016 (GMA-7).

Best TV Series - FPJ’s Ang Probinsiyano (ABS-CBN).

Sa pelikula, nanalong Best Film (Indie) ang Die Beautiful (The Idea First Company); Best Film (Mainstream) Everything About Her (Star Cinema); Best Film Director (Indie) - Jun Robles Lana (Die Beautiful); Best Film Director (Mainstream) Joyce Bernal (Everything About Her); Best Supporting Actor Xian Lim (Everything About Her); Best Supporting Actress Cherry Pie Picache (Whistleblower); Best Actor Paolo Ballesteros (Die Beautiful) at Best Actress Vilma Santos (Everything About Her).

Binigyan din ng special award bilang Natatanging Hiyas ng Sining Sa Pinilakang-tabing si Jaclyn Jose.

Sa print media ay nanalong Best Magazine ang Yes (Lifestyle and Entertainment, Summit Publishing Co.); Best Publishing Company (Books/Textbooks) - Vibal Publishing House, Inc.; Best Newspaper (Tabloid) - Pilipino Star Ngayon (PhilStar Daily, Inc.); Best Newspaper (Broadsheet) - The Philippine Star (PhilStar Daily, Inc.); Best Newspaper Columnist (Opinion) - Tony Katigbak, Introspective (The Philippine Star); Best Female Newspaper Columnist (Opinion) - Preciosa Soliven, A Point of Awareness (The Philippine Star); Best Male Newspaper Columnist (Entertainment) - Alwin Ignacio (Abante Tonite); Best Female Newspaper Columnist (Entertainment) - Cristy S. Fermin, Most Wanted/Chika (Bulgar/Bandera); Best Newspaper Editor (Entertainment) - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon); Special Award, Natatanging Hiyas ng Sining Sa Panulat - Dr. Lakangiting C. Garcia (Manunulat, Makata, Guro).

Sa larangan ng radyo, ang nahirang na Best Radio Program (AM) - DZMM Radyo Patrol 630 (ABS-CBN); Best Radio Program (FM) - 90.7 Love Radio, DZMB (Manila Broadcasting Corp.); Best Male Radio DJ - Papa Jack (90.7 Love Radio); Best Female Radio DJ - Nicole Hyala (90.7 Love Radio); Best Male Radio Broadcaster (Opinion) - Julius Babao, Magandang Morning (DZMM); Best Female Radio Broadcaster (Opinion) - Zen Hernandez, Magandang Morning (DZMM); Best Male Radio Broadcaster (Entertainment) - Ahwel Paz, Mismo (DZMM); Best Female Radio Broadcaster (Entertainment) - Cristy S. Fermin, Cristy FerMinute (Radyo 5-92.3 News FM); Radio Station of The Year - DZMM Radyo Patrol. Special Award - Natatanging Hiyas Ng Sining Sa Radyo - Joe Taruc (Brodkaster, Komentarista-DZRH).

Big winner ang Rak of Aegis pagdating naman sa teatro.

Best Production Design - Rak of Aegis; Best Playwright (Adaptation or Original) - Liza Magtoto (Rak of Aegis). Best Stage Play - Rak of Aegis; Best Stage Director - Maribel Legarda (Rak of Aegis); Best Supporting Actor - Vince Lim (Rak of Aegis); Best Supporting Actress - Carla Guevarra-Laforteza (Rak of Aegis); Best Actor - Pepe Herrera (Rak of Aegis); Best Actress - Tanya Manalang (Rak of Aegis) at may special awards bilang Natatanging Dulang Pangtanghalan - FnL, 2014 (PETA); Natatanging Hiyas ng Sining sa Tanghalan - Luisito “Bodjie” Pascua (Batikang Mandudula).

Sa March 1 gaganapin ang awarding, ika-5 ng hapon, sa Laguna BelAir Science High School sa Sta. Rosa City, Laguna.

(REGGEE BONOAN)