Makamit ang ikalawang semifinal berth sa women’s division ang tatangkain ng Arellano University habang patuloy na buhayin ang tsansang umabot sa Final Four ang hangad naman ng Lyceum sa kanilang pagtutuos ngayon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Magtutuos ang Lady Chiefs at ang Lady Pirates ganap na 11:30 ng umaga matapos ang unang dalawang laro sa pagitan ng kanilang kanilang juniors at men’s squad.

Kasalukuyang nasa solong ikalawang puwesto ang Lady Chiefs hawak ang barahang 6-1, habang nasa ika-4 na puwesto naman ang Lady Pirates taglay ang barahang 5-2 sa likod ng pumapangatlong College of St.Benilde na may 6-2 marka.

Sa tampok na women’s match, sisikapin naman ng José Rizal University (2-5) na makamit ang mailap na ikatlong panalo sa pagtutuos nila ng kapwa sibak ng Letran (1-6)na hangad namang makopo ang ikalawang panalo.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ang pampitong panalo ay pormal na magpapasok sa Lady Chiefs sa Final Four kasama ng nauna nang semifinalist at league leader San Sebastian College Lady Stags.

Natalo sa University of Perpetual sa nakaraan nilang laro, kailangan nang ipanalo ng Lady Pirates ang hurling dalawang laro upang masiguro ang pag- usad sa susunod na round.

Samantala sa men’s division, puntirya naman ng Arellano Chiefs (5-2) ang ika-6 na tagumpay upang makasalo ng San Beds sa Ikatlong puwesto habang unahang makafalawang panalo ang kapwa eliminated nang JRU Heavy Bombers at Letran Knights na kapwa may tig- is a lamang panalo matapos ang pitong laro. (Marivic Awitan)