Bumiyahe na papuntang Washington D.C. sa United States sina Presidential Communications Secretary Martin Andanar at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. para dumalo sa inagurasyon ni US President-elect Donald Trump sa Enero 20.

Sinabi ni Andanar na dadalo sila sa okasyon bagama’t si Philippine Chargé d’Affairés to Washington DC Patrick Chuasoto ang opisyal na kinatawan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon.

“We will be performing our respective functions. We have side meetings too. The Charge D’ Affaires will officially represent PRRD,” ani Andanar bago tumulak patungong Washington.

Tumanggi si Andanar na magbigay ng detalye sa “side meetings” ngunit tiniyak na mag-uulat sila sa Pangulo sa kanilang pagbabalik sa Manila.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“We will report to the President the inauguration and our side meetings once we get back,” aniya.

(Beth Camia at Genalyn D. Kabiling)